Betamax

5 07 2008

Astig ang kantang ito. I can say na tamang-tama ang kantang ito sa theme ng blog ko ngayon na “Back To Basics”. Ang kanta ay tungkol sa mga uso noon. Masasabi ko na kahit papaano ay naabutan ko pa ang mga nabanggit sa kanta, lalo na ang betamax. Hehe.

Nakakatuwang balikan ang mga nauso noon. Napaguusapan nga namin na ang hirap pala noong wala pang celfones. Kunwari may imimeet kang kaibigan. Hindi mo siya matatanong noon kung nasaan na ba siya. Ang kagandahan noon, ay mas siguradong on-time talaga ang inyong pagkikita.

Naabutan din namin yung kapag sinabing “research”, eh research talaga - pupunta kami sa school library, maghahanap sa mga makakapal na encyclopedias, at umabot din kami na pumunta pa kami sa aklatang bayan. Ngayon, salamat sa internet, copy & paste na lang ang karamihan.

Usong-uso ang mga outdoor games noon kagaya ng piko. Ang mapaglalaruan lang talaga na computer noon ay family computer. Ngayon, ang dami-dami na.

Wala pa nga lang blog noon. Hehe. Pero kaya nga heto at gusto kong balikan yung mga panahong wala pang blog.

Anyway, two thumbs up para sa kantang ito ng Sandwich!





Nangangalahati Na Ang 2008

1 07 2008

Ang bilis ng panahon. Nangangalahati na ang taon. Parang kailan lang mula noong nagsimula ako sa bago kong trabaho. Akala ko pa noon ay tatapusin ko lang ang limang buwang kontrata ko sa trabaho, pero heto at nandito pa rin ako. Medyo matagal-tagal din akong naka-adjust sa aking new environment.

Kahit papaano ay sanay na ako sa trabaho ko. Salamat din at naisipan kong mag-fatness first. Tulad nga ng napagusapan namin ni kaibigang Justine, eh it’s a way to get out of the daily (boring) routine na bahay-office-bahay. Pero enjoy naman ako sa bahay. Marami din kasi akong ginagawa sa bahay. Minsan nga kulang ang weekend para magawa ko ang mga gusto kong gawin. Minsan nga parang gusto ko na lang magtrabaho sa bahay.

Halos kalahati ng taon na nagpagawa kami ng bahay. Bawat Sabado ay sinasamahan ko ang mommy ko pumunta sa construction site. Nakakapagod din pala. Kaya ngayong nakalipat na kami, ay medyo nanibago ako noong unang Sabado namin doon kasi parang naghahanap ang katawan ko ng maraming gagawin.

Marami din akong plano na hindi ko pa magawa-gawa pero gusto ko na talagang gawin ngayong medyo maluwag na ang aking schedule. Isa ito sa mga kinaiinisan ko sa aking sarili… ang hanggang plano lang.

Mabilis na yang Hulyo at Agosto. Pagkatapos “Ber-ber” months nanaman. Pasko nanaman. Hay! Ang bilis talaga! Hehe. Well, sana mas maging okay ang anim na buwan ng 2008. Medyo challenging kasi ang nakaraang anim na buwan, pero okay lang. I thank God na nalagpasan naman namin yun.





Marian Rivera Is Philippine’s Finest

28 06 2008

Kahapon ay nakabili na ako ng July 2008 Issue ng FHM kung saan kasama na ang resulta ng FHM 100 Sexiest Women 2008. Sa isang magazine stand ko pa lang siya nakikita as of kahapon - sa Landmark. Ang ibang tindahan ay wala pa.

Excited akong malaman kung sino ang nanguna ngayong taon na ito, ngunit sobrang excited yata nung nagtitinda, eh kwinento agad sa mga tao na nandun sa magazine stand. Si Marian Rivera nga raw ang Philippine’s Finest ngayong taon. Followed by Katrina Halili and Angel Locsin.

Well, congrats to Marian pero si Katrina Halili pa rin ang gusto ko sanang manguna ngayong taon na ito.

Nakakatuwang magbasa ng Philippine Entertainment Portal o PEP dahil as usual, pinagsasabong pa rin sina Marian Rivera at Angel Locsin.

May balitang nag-aakusa raw ang mga fans ni Angel na madaya ng FHM dahil naungusan ni Marian si Angel. Nakakatawa! Haha. Isa yata yan sa mga “bitter reactions” na nabasa ko. Hay nako, hindi naman siguro pwedeng laging nasa tuktok si Angel. Let’s admit na marami talagang nadisappoint sa paglipat niya sa ABS-CBN, though marami din naman siguro siyang mga naging bagong fans, pero medyo negative na ang tingin sa kanya ng karamihan.

Isa pang naging isyu sa PEP ay ang bumababang percentage daw ng boto ni Angel sa PEP Poll. Nakakatawa nanaman ito. May nagtanong kasi kung bakit daw bumaba ang percentage ng boto ni Angel. Natural bababa yun kapag may bumoto kayna Marian, Katrina, Iwa, o Ehra. Percentage kasi yun.

Sinasabi rin na dahil affiliate achuchu raw ng GMA ang FHM kaya Kapuso nanaman ang #1. Oh my! Lahat na ba ng survey or botohan sa bansang ito ay may dayaan? At least nga #1 si Angel sa Maxim eh.

Pero sa totoo lang, mas gusto ko si Angel kaysa kay Marian. Pero nadisappoint talaga ako sa paglipat niya kaya hindi ko na siya sinusubaybayan ngayon. Parehas naman silang maganda ni Marian, pero naiinis ako kapag sumasayaw si Marian. Siguro pag si Angel ay sumayaw rin ay nakakainis din.

Ah basta, Katrina Halili pa rin ako!





Sa Baba Na Lang Daw Ako Bumili

27 06 2008

Kahapon ay nagmamadali akong umuwi dahil nagtext si Ate na kakain daw kami ng dinner sa SM Bacoor. Mabuti at hindi pa ako nakakapunta ng Fatness by that time. Kaya tinext ko si kaibigang Justine na hindi muna ako magfafatness.

Bago mag-alas-siyete ay nakarating na ako sa SM Bacoor. Bago ko itinext ang aking mga kamag-anak ay nag-ikot muna ako saglit. Naalala ko na kailangan ko na nga palang bumili ng load.

Marami namang mabibilhan ng load sa loob at labas ng SM. Pero doon ko natipuhang bumili sa palagi kong binibilhan. Sa information center nila sa ground floor.

Sa totoo lang ay kailangan ko din ng barya kaya 500 pesos ang ipinambayad ko sa cashier (pero may 200 pesos bill naman ako. Ayoko lang gastusin kasi nga kailangan ko din ng smaller bills). Nagtanong si cashier kung wala ba raw akong 100 pesos kasi wala daw siyang barya. Medyo nainis na ako sa tono ng kanyang pananalita. Kaya sinabi kong wala. Tila nainis pa yung cashier at sinabi niya sa akin, “Doon ka na lang sa baba bumili”. Aba! Kaya medyo umirap ako ng ako ay umalis dahil sa inis.

Ang sa akin lang…
1. Hindi ko naman siguro problema kung wala silang panukli. Ang panuntunan ko nga sa ganyang bagay, “Sila ang cashier kaya dapat sila ang maraming pera.”
2. Hidni man lang nag-umeffort ang cashier na magkaroon siya ng barya para sa panukli.
3. Okay lang naman sa akin na sa baba na ako bumili, pero sana sinabi niya ng maayos.
4. Maayos naman akong bumili sa kanya kaya wala siyang rason para sungitan o tarayan ako ng ganoon.

Sa inis ko kahapon sa cashier, eh muntik ko na talaga siya isumbong sa management.

Naalala ko tuloy ang isang insidente sa Coastal Mall noon. Medyo hindi kasi kami nagkaunawaan nung nagtitinda. Nagalit sa akin yung may-ari ng tindahan. Pinaalis niya ako at baka raw masabunutan niya ako. SUmagot ako, “Edi sabunutan mo.”





High School Life

26 06 2008

Ika nga ni Ate Shawie, every memory daw ng high school life ay maganda… walang kasing-saya.

Dahil sa simpleng larawan na ipinost ng aking high school classmate sa Multiply group namin, ay ilang araw na akong nagbabalik tanaw sa aming buhay high school sa pamamagitan ng mga larawan.

Hindi pa uso ang digital cameras at camera sa celfone noon kaya hindi siguro talaga karamihan ang mga larawan namin noon. Kung hindi studio shot, eh exposed na larawan, o medyo manilaw-nilaw na larawan na parang lumang luma na. Nakakaawa ang mga lumang larawan. Ang sarap pagtwanan ng mga kabaduyan, kababawan, at kakornihan na pinagagagawa namin dati. Pero kahit ganun yun, hindi ko pinagsisisihan yung mga yun kasi enjoy naman… pero nakakadiri talaga ang iba. Hahaha.

Pagkatapos ko mag-kolehiyo, ay narealized ko na hindi din pala dapat icompare ang buhay college sa buhay high school. Parehong masaya sa totoo lang, so mahirap i-compare. Pero matagal ko talagang na-miss ang buhay high school noon. Salamat at may mga kaibigan ako noong elementary at high school na nakasama ko pa rin nung college. Madalas namin pinagkukwentuhan ang buhay high school noon kahit asar na asar na ang tenga ng mga kaklase namin sa college noon. Hehe.

Tulad nga ng lagi kong sinasabi, hindi naman magiging masaya yung buhay high school ng ako lang mag-isa. Siyempre, dahil na rin yun sa mga mahal kong kaibigan na nakasama ko noon. Masaya ako na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin kami. Salamat sa celfone, salamat sa internet.

Plano ko talaga ang ganitong klase ng post, lalo na ngayong ang subtitle ng blog ko ay “Back To Basics”. Basta, abangan mo na lang yan at iisa-isahin ko yang mga katauhan na yan. Hehehe.





1:1 First Session

25 06 2008

May 2 complimentary 1 on 1 sessions sa isang personal trainer kapag nag-sign up ka sa Fatness First. At expected, mangungulit nanaman sila na i-avail yun. Okay lang kasi libre, pero halatang halatang eengganyuhin ka nila ni ituloy iyon. Okay lang sana pero wala na akong budget para sa isang trainer.

Kahapon ay ang aking unang session at kinabahan ako dahil ayon sa mga sabi sabi sa akin ay papahirapan ka daw talaga. Okay naman, though talagang mahirap ang ibang pinagawa sa akin, as in sumasakit ang ibang parte ng katawan ko hanggang ngayon. Mas intense daw ang second session namin. Huhu. Kagabi nga ay sobrang lalim ng tulog ko. Paghiga ko pa lang ay tulog na ako at paggising ko ay akala ko Sabado na.

Pero mas masakit ang naramdaman ko last week, dagdag pa na nalasing/nilasing ako ng mga ka-opismeyts ko noong Biyernes ng gabi. Haha. Gegewang-gewang akong umuwi. Mabuti at nakauwi naman ako. Paghiga ko ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko at ang tama ko. Bagsak si Rowjie. Salamat sa kape na ininom ko kinabukasan at bumalik ako sa normal.

Matutuloy na din sa wakas mamaya ang aking meeting with the kataas-taasan and kagalang-galangang people mamaya. Independence day pa dapat yun pero dahil super duper over busy sila, eh isinantabi muna ako. Kaya heto, hindi masyadong mabigat ang work load ko kamakailan. Sounds good noh? Pero I realized na ayoko din pala ang walang ginagawa. Nakakaantok. Nakakatamad. Bumabagal lalo ang oras.

Tulad nga ng sabi ko, busy talaga ang mga ka-meeting ko. Naiintindihan ko naman yun at willing naman akong mag-give way. Pero minsan lang eh parang nakakadisappoint din. I don’t blame them naman pero parang nakakamiss lang yung environment na yung project na ginagawa ko, eh project ng marami at talagang priority ng kumpanya. Nagbabadya na ba akong bumalik sa isang application development company? Hehe.

Pero kung tatanungin mo ako kung kamusta naman ako, eh okay naman ako. Medyo magastos lang talaga kasi nga nagpapagawa kami ng bahay, pero patapos na din naman at kontento naman ako sa resulta. Masaya din ako sa pag-g-gym kasi at least hindi na bahay-office-bahay ang aking normal routine. Enjoy naman ako. Unti-unti na din yatang nangyayari yung sinabi ko sa iyo noon na I want to meet new people. Then, may mga unexpected good news din na dumadating. Marami pa akong gustong gawin na sana ay magawa ko nga.





The Frank Experience

23 06 2008

Nang unang mabalita si Bagyong Frank ay alam kong hindi pa siya ganoong kalakas. Nagulat na lang ako noong Sabado ng nabalita na ang lakas nito ay nasa 110 kph na. Malakas na talaga yun. Umulan-ulan na din sa Cavite ng bandang hapon.

Pag-uwi namin ng bahay ay may mga kakaibang tunog akong naririnig. Sumilip ako sa bintana ngunit hindi ko pa rin malaman kung saan nanggagaling ang mahiwangang tunog. Dinedma ko na lang yun dahil antok na antok na ako. Ang mahiwagang tunog pala ay tunog ng mga palaka. Sila siguro ay naglabasan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Maaga akong nakatulog nung Sabado siguro dahil na rin sa nasarapan ako sa kinain ko. Hehe.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sobrang lakas ng hangin. Brownout pa. Di ko inasahan na dadaan din pala ang Bagyong Frank sa Cavite. Oo, alam ko magkakaroon ng mga pag-ulan pero hindi ko alam na tatamaan din kami ng malalakas na hangin.

Mabuti at mga bandang alas diyes ay nagkakuryente na sa amin. At as expected, baha na sa maraming lugar hanggang sa mga sandaling ito. Marami nanaman ang napinsala ng bagyo. Nakakalungkot.

Ang isa sa mga pinaka-nakakalungkot na balita ay ang tungkol sa paglubog ng MV Princess of the Stars.

Walang pasok ngayon ang elementary, high school, at college sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar, kaya medyo nakakaramdam ako ng katamaran na pumasok ngayon. Pero wala ng magagawa dahil nandito na ako sa opisina. Ang gusto ko lang ay sana hindi na baha sa dadaanan ko mamaya sa pag-uwi ko.